Piipinas Road Rally 2016

Vince T Villar

Sensiya na.. Telenovela ang labas nito hehehe..San ba ako magsisimula? Hmmm tnx muna kay Mam Jho Gonzales dahil siya nag inform sakin bout sa event..

Ikalawang Endurance Rally ko pa lang to.. Yung una malaking tangke at mas relax ang ginamit ko sa 850kms Motorally De Albay, CBR150 (pang 28 ako) at ang ikalawa, Raider 150 (si Suzie) ang gagamitin ko…

Kay sir Wawi Villanueva at ClubR150 Bicol Chapter President Jun Miraballes ako kumuha ng maraming tips sa pagsali.

Bago ang laro, pinag isipan ko talaga kung ano gagamitin ko, Raider o Sniper King, na bagong bago pa lang..Maraming nagsasabi na mas mabuting Sniper ang gaitin ko dahil mas telax at tipid sa Gas Pero sa huli, sa Raider pa rin ako dahil subok ko na sa Manila Bicol vice versa trip ko..Sa madaling sabi, inihanda ko mabuti ang Raider.. Mula Bagong gulong, auxillary lights, shifter, preno etc.Hanggang sa huling araw ng registration, ako lang ang manggagaling sa Bicol ang nakasali..Kinakabahan man at medyo nadidiscourage, tumuloy pa rin ako..

2 das before the event, lumarga na ako papunta Manila..3am ako umalis ng Legazpi City…Di pa nga ako nakakalayo, Guinobatan pa lang, 20kms away, sumabog ang Fuse ko..Pinalitan ko at bumyahe uli..Pagsapit ng Pili, Camsur, dinna gumana headlight ko.. Kaya nag aux na lang ako..Pero dahil madilim pa rin, nagpa umaga na lang ako sa Naga at saka bumiyahe uli..

Halatang mahina na ang takbo ko dahil low bat na ang battery..118-119 kph na lang top speed ko… Nawaa na yung dating 145kph TS kahit stock lang makina..

Pagdating Andaya highway, biglang di gumana kambiyo ko.. Balak ko na sanang bumalik kasi galit na si mam Lishie Love.. Bumalik na daw ako at magpalit ng Sniper hehe..Pero dahil matigas ulo ko, ng gumana uli, diretso ako.. Iniisip ko.. Sa Manila na lang ako magpapaayos.Palagi naman ako nag uupdate sa Presidente ng Club namin..

Imbes na diretso ng Manila, nirecon ko na muna ang San Andres, Quezon..Naligaw ako, Catanuan na ako lumabas.. Bumalik pa ako San Narciso para makarating sa San Andres..Pagbalik ko, dinaanan ko uli ang buenavista para makabisado ko palabas ng Lopez. Pagkatapos, diretso na ako Mauban hanggang Manila..

Awa ng Diyos, in 16 hours mahigit, narating ko ang Manila ng lowbat na lowbat na.. Ayaw na nga mag start..Napost pa nga ako sa Road Rally page na kailangan ko pa ng Rescue hehe..

Kina umagahan ng Friday, tinuungan ako ni Mam Love at Hubby niya na makahanap ng magaing na mekaniko..Nataon na ang Mekaniko at Secretary pala ng ClubR150 NCR.. Ang swerte ko dahil special ang turing sa Suzie ko..

Medyo nagastusan ako sa pyesa pero sulit naman dahil naayos na ang takbo at mura pa singil sa labor..Nabawasan ng husto budget ko pero may natira pa rin pang Gas sa laro hehe..Tumakbo na uli ng atleast 135 top speed si Suzie ko..

Nung magpapa inspection na ako.. May sira din pala bearing ng motor.. Buti to the rescue uli ang clur150 ncr sa pamamagitan ni Paps Armin Bihag hehe

Kinabukasan, gabi ng laro.. Naku, kabado at excited na ako.. Gusto ko sana matulog katabi ng mga Atm machines dun sa City hall pero di pa makatulog.. Tinatawag na nga ako ng kalikasan pero di makabawas dahil walang tubig… Finally nakaraos ako sa Pasay City PNP hehe..

Medyo nailang pa ako sa mga Co road warriors dahil wala ako kakilala masyado.. Wala makakajamming..Buti, mababait mga organizers at may kumakausap din sakin kahit papano hehe..

Nung magsimula na ang laro, naku.. Ang sarap na..Hataw lahat sa kalsada..Past 12 na ako nakarating sa 1st CP sa Lucena..Paka pirma sa passport ko alis kaagad dahil gusto ko makahabol.. Pakiramdam ko pang 50 na ako..

Pagdating Pagbilao, may naka jamming na ako.. Ang gaing mag overtake at mag banking hehe.. Sarap na sarap kami dalawa… Bilib ako kasi di siya nagpapabaya mag hand signal..Lalo pagdating Atimonan Zigzag..may mga nilampasan kami.. Sarap kasi ng bangkingan hehe..

Pero paglampas atimonan, naramdaman ko na may diperensiya na Shifter ko..hanggang tuluyang mahulog pagdating sa Lopez..Kaa ko di na ako matatapos.. Susuko na sana ako.. Niremedyuhan ko pa pero wala talaga..

Buti, nagawan paraan ng Lopez boys.. Ayun naka biyahe uli..Ratrat uli ako para makahabol…Kaya lang lugi pa rin dahil wala ako Aux Tank.. Bawat 90kms.. Gas uli ako…14 beses ata ako nag gas sa buong durasyon ng laro..

Past 5am na ako nakarating Cagsawa.. Duon, inayos uli shifter ko ng Marshall ng Road runner Daraga sa panuna ni Ramil Bermundo Bañadera, Pinakape pa nga ako hehe..

Nagtagal ako 20 mins ata bago ako umalis..Sa Sagnay, medyo kabisado ko ang daan kaya nakuha ng mas mabilis.. Sa route to Bicol, wala akong kaba kasi nakakalat ang mga kapwa rider na handang sumuporta..nakamonitor sila sakin.. Nag uupdate..

Pinakamahirap na route nung papunta na ako san Andres..Mag isa na lang kasi ako.. Antok na antok na at pagod na pagod, gusto ko sana matulog muna.. Pero mas hindi ko napigilan ang LBM hehe. 2 beses ao naki CR..

Paglusot ko ng Pagbilao, inip na inip na ako kasi wala talagang ka jamming..Buti pagdating Mauban, may dalawang Scooter na nagpasama sakin para makalabas Manila.. Parehas kami nagtatanungan ng short route pero alam ko na mas madali sa backdoor route to Rizal kaya ako na nag guide..

May naabutan pa kami Rouser 200.. Sinabayan sana namin kaso mas malaki tangke kaya naiwan din kami sa gasolinahan hehe..Swerte lang talaga na di gaanong matraffic sa Edsa kaya before 7pm natapos na kami..

Akala ko pang 30 plus ako…Nagulat ako na pang 13 pala..Nawala lahat ng pagod ko nung natapos ako.. Sarap sa pakiramdam.. Gusto kong ulitin hehe..

Nagpost agad ako sa FB.. At bumuhos naman ang pagbati..Proud na proud ako sa motor ko.. Kahit dami aberya, finisher na rin siya ng Endurance Rally..

Halos di ako makakain maayos sa sobrang saya…Ganito pala talaga pag may napatunayan ka..

Sabi ko, sasali uli ako.. Kung anong Endurance event uli, di ko pa alam..

Basta sasali uli ako.. Dami ko natutunan.. Kaya sasali pa talaga ako

by: Vince T.  VIllar  –  Club R150 Bicol Chapter

Leave a Reply